Panahon ng Pangungutya

Ang dami-daming tao sa mundo, at ang dami daming pwedeng gawin sa mundo. Ngunit dahil sa kahirapan at kaingitan, ay madami din namang nalululong sa chismis at mga gawain paninira ng kapwa.

Isa sa mga ayaw ko ay ang magsabi ng bagay na alam nating ikasisira ng iba. Madaming dahilan kung bakit nagagawa ng tao ‘to. Pwedeng inggit o para lang makaganti dahil sa ugaling naipakita o ipinakita ng taong sinisiraan nila. Ngunit tama ba talagang gawin natin ito? Tama bang siraan at maging sanhi ng pagbagsak ng taong iyon ang mga hindi magandang lumalabas sa bibig natin?

Minsan, sobrang nagiging makasarili tayo na okay lang na bumagsak ang ibang tao, basta tayo hindi. Ugali iyan ng karamihan. Mas magandang makitang bumagsak sa kinakatayuan ang isang taong mataas ang lipad kaysa magtrabaho para mapasa sa paglipad. Ika nga ni Miss Universe 2015, Pia Wurtzbach, sa kanyang interview kay Boy Abunda, “it’s so easy to watch a queen fall“. Pero tama ba talaga ito? Tama nga ba na maging ugali ito ng madaming tao?

Madalas akong tumingin at maglibot sa Facebook dahil wala rin naman akong magawa minsan. Pero isang gabi, nagbasa ako ng comment box sa isang news page at nakita ko ang punong-puno ng puna kay Maxine Medina galing sa mga kapwa ko Pilipino. Hindi ako fan ng Miss Universe, and never have I watched the entire show pero tama bang pulaan ang babaeng lalaban para sa Pilipinas? Sa sobrang daming pwede gawin o sabihin, puro mga mali pa ng tao ang nakikita ng lahat. Alam kong ugali na ito (matagal na) ng madaming tao ngunit hindi ko matanggap na instead of supporting Maxine, people are criticising her appearance and her grammar. Minsan sa sobrang galing natin tumingin nang mali ng ibang tao, nakakalimutan natin na may mali rin sa atin. Walang tao na tinuruan ng tamang asal simula pagkabata, ang gustong makipagkaibigan sa taong pala pula at mali lamang ang nakikita sa ibang tao.

Ang dami kong nakita sa comment box na mga nanay, mga tatay, mga guro at mga taong dapat tumatayong “role model” sa mga bata ngunit nakikita ang ugali sa comment box, nakikita kung paano mangutya ng ibang tao. How are we supposed to teach children good conduct kung tayo din ay hindi marunong panindigan ang mga sinasabi naten, at hindi kayang magpakababa.

Filipinos are known to be hospitable. Sa sobrang hospitable naten, nakakalimutan na nating maging hospitable sa mga kapwa natin. Sana. Sana naman, turuan natin ang mga kapwa natin na kung walang magandang sasabihin, mas magandang wag na lang magsalita o idaan sa bagay na makikinabang yung tao at hindi magiging dahilan ng pagdudusa nito.

Sobrang affected lang ako sa mga nakikita ko. This is not about that Miss Universe, baka sakaling maisip niyo na avid fan ako ng competition na yon.

Kung may mali akong nasabi, pwede niyo akong icorrect at hindi na lang ishare dahil correcting is learning .. and learning is growth.

Emmanuel

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s